Pilipinas, training ground umano ng mga dayuhang terorista

Training ground umano ng mga dayuhang terorista ang Pilipinas.

Ayon sa isang intelligence report, dito umano sa ating bansa nagsasanay ang Abu Sayyaf Group (ASG) at Jemaah Islamiyah (JI) sa paggawa ng iba’t ibang klase ng bomba.

Kabilang umano rito sa sinasanay nilang gawin ay ang bio-chemical weapons at remote-controlled vehicles.

Maliban diyan ay dumadaan din umano ang mga dayuhang terorista sa scuba diving training sa basilan.

Kasunod niyan ay tinuturuan din ang mga ito kung paano magtanim ng bomba sa ilalim ng barko at port facilities.

Samantala, may basehan ang intelligence report na nagsasabing training ground umano ng mga dayuhang terorista ang Pilipinas.

Ito ang paniniwala ni Muntinlupa City Representative Rodolfo Biazon, chairman ng House Committee on National Defense and Security.

Patunay na aniya rito ang pagtatago ng napaslang na International Terrorist na si Zulkifli Bin Hir Alyas Marwan dito sa ating bansa.

Sinasabing si Marwan ang nagsanay sa ilang rebelde para gumawa ng bomba.

Samantala, naniniwala naman si magdalo Partylist Representative Gary Alejano na sapat ang mga umiiral na batas ng Pilipinas para labanan ang terorismo.

Speak Your Mind

*