Mataas na kaso ng rabbies sa Pangasinan, mahigpit na binabantayan

Mahigpit ang pagbabantay na ginagawa ngayon ng Provincial Health Office o PHO sa kaso ng rabbies dahil sa mataas na kaso nito noong nakaraang taon.

Batay sa record ng PHO, may kabuuang 12,910 na kaso ng animal bites ang naitala, 11,114 rito ay mula sa kagat ng aso, 1,600 ay mula sa kagat ng pusa at 192 naman sa iba pang mga hayop.

Dahil dito, hinihikayat ng PHO Office Dr. Anna de Guzman ang mga pet owner na pabakunahan ang kanilang alagang hayop taon-taon sa isinagawa nilang mga Massive Anti-Rabies Vaccination.

Makabubuti din umano na bigyang mga wastong pag-aalaga ang mga hayop, bigyang ng sapat na kulungan o kung hindi man ay talian upang hindi makakagat.

Sinabi pa ni de Guzman na sakaling makagat, agad itong hugasan gamit ng sabon, iwasang magpunta sa albularyo o mapatandok at agad na magpunta sa hospital.

Speak Your Mind

*