Nakatakdang SOPA ni gov. Espino, tiniyak na walang magiging aberya

Tiniyak ni Pangasinan Gov. Amado Espino Jr. na walang magiging hadlang sa kanyang nakatakdang State of the Province Address (SOPA) sa lunes, February 16.

Inihayag ito ng gobernador sa naganap na Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP) Forum bilang paglilinaw sa mga kumakalat na text message na hindi raw matutuloy ang kanyang SOPA.

Kabilang sa mga nakatakdang ilahad ng gobernador ang mga programang may kaugnayan sa health care services, status ng probinsya kumpara sa iba pang first class provinces sa pilipinas, mga aktibidad na nagawa ng provincial government noong nakaraan at nakalipas na mga taon.

Kasama rin sa report ng gobernador ang hinggil sa poverty reduction, infra-structure projects at mga aktibidad para sa mga kabataang pangasinense.

Speak Your Mind

*