Napolcom Region 1, ikinadismaya ang pagkakasangkot sa droga ang isang Pulis Pangasinan

Ikinalungkot ng National Police Commission (NAPOLCOM) Region One ang pagkakasangkot ng isang police Pangasinan sa paggamit ng illegal na droga.

Ayon kay Napolcom Assistant Regional Director Atty. Edwin Mapili, dapat ang mga police ay magsilbing modelo sa pagsunod sa batas.

Magugunitang noong isang araw ay nahuli si PO1 Jerry Mabanglo ng San Manuel PNP sa isang pot session sa bayan ng Calasiao.

Ipinangako naman ni Mapili na lahat ng kanilang nahuhuling pulis na gumagawa ng mga iligal na aktibidad ay kanilang sasampahan ng kaukulang kaso.

Speak Your Mind

*