Negosyo sa Urdaneta, patuloy sa paglago dahil sa Pangasinan Agri-Pinoy Trading Center

Patuloy na lumalago ang komersyo sa lungsod ng Urdaneta.

Ito ang kinumpirma sa sonshine radio ni City Market Supervisor Cesar Estoesta lalo’t ngayon na naitayo na sa siyudad ng Pangasinan Agri-Pinoy Trading Center.

Araw-araw aniya ay market day sa lungsod.

Sinabi pa ni Estoesta na mura ang presyo ng mga gulay sa Urdaneta City sa buong Pangasinan.

Ang mga gulay at prutas na mabibili sa bagsakan market ay nagmumula sa lalawigan ng Cagayan.

Dagdag pa nito na ang ilang ding magsasaka sa bayan ng Villasis ay nagbabagsak ng kanilang produkto sa siyudad gaya ng talong at kamatis.

Ang bayan ng Villasis ay mayroon ding bagsakan ng mga gulay.

Speak Your Mind

*