Pagpasok ng mga imported na sibuyas sa bansa, dapat imbestigahan

Kinakailangang imbestigahan ang pagpasok ng mga imported na sibuyas sa Pilipinas.

Ito ang binigyang diin ni Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) President Engr. Rosendo So matapos na dumaing sa kanya ang ilang magsasaka sa Pangasinan sa pagbagsak ng presyo ng kanilang ani na sibuyas.

Nangako naman si So na ipaparating niya ang nabanggit na problema sa Department of Agriculture (DA).

Sa kasalukuyan ay otso pesos ang presyo ng isang kilo ng sibuyas at nangagamba ang mga magsasaka na baka bumaba pa ito ng dos pesos na kanila na ring naranasan noong mga nakaraang taon.

Speak Your Mind

*