Pagsasanay sa bread making, inilunsad sa bayan ng Bayambang

Mag-uumpisa na sa Marso a-dos ngayong taon ang pagsasanay sa bread making o paggawa ng tinapay sa bayan ng Bayambang, Pangasinan

Sinabi sa sonshine radio ni PESO Manager Rene Rosales na isa itong skills training upang mabigyan ng lokal na pamahalaan ng Bayambang ng mapagkakakitaan o trabaho ang kanilang mga kababayan.

Bukas din aniya ang bread making training para sa mga nakatira sa kalapit nilang mga bayan, ngunit, binigyang diin nito na bibigyan nila ng prayoridad ang mga residente ng naturang bayan.

Ayon kay Rosales, ang kwalipikasyon ng sasailalim sa nabanggit na pagsasanay ay babae man o lalaki basta mahilig itong mag-bake ng tinapay.

Speak Your Mind

*