Pagtaas ng kaso ng Teenage Pregnancy sa Pangasinan, ikinabahala ng POPCOM

Ikinabahala na ng Provincial Commission On Population (Popcom) Office ang pagtaas ng kaso ng teenage pregnancy sa lalawigan ng Pangasinan

Batay sa tala ng Provincial Health Office o PHO, umabot sa 2,443 ang kaso ng teenage pregnancy noong 2012 habang umabot naman sa 2,664 ang kbataang nanganak noong 2013

Ayon kay Ellsworth Gonzales ang Provincial Popcom Officer na isa sa pangunahing dahilan ng pagtaas ng bilang ng teenage pregnancy ang makabagong teknolohiya ngayon gaya ng social media.

Aniya, dahil sa malawakang paggamit ng mga kabataan sa enternet, nawawala na ang guidance ng mga ito sa kanilang mga magulang.

Sa ngayon isinusulong ng Popcom katuwang ng Deped ang pagbibigay ng mga tamang impormasyon kung paano maiwasan ang maagang pagbubuntis.

Speak Your Mind

*