Pamilya ng Fallen 44, tumanggap ng tulong pinansyal mula sa lungsod ng Makati

Pormal nang iniabot ng Lungsod ng Makati sa pamamagitan ni Mayor Jun-Jun Binay ang tulong pinansyal sa mga naiwang pamilya ng 44 na miyembro ng Philippine National Police Special Action Force na nasawi sa madugong engkwentro laban sa Moro Islamic Liberation Front o MILF sa Mamasapano Maguindanao noong 25 ng Enero.

Tumanggap ng tig-100,000 ang bawat pamilya ng Fallen 44 habang 50,000 naman ang ibibigay ng lungsod sa mga sugatang miyembro ng SAF.

Naghandog din ng scholarship ang lungsod para sa mga anak ng Fallen 44 sa University of Makati.

Sinabi ni Mayor Binay, ito ang kanilang paraan upang ipakita ang pakikiramay at pagsaludo sa mga pulis na nagbuhis ng buhay para makamit ang kapayapaan sa bansa.

Speak Your Mind

*