Pangasinan PNP, puspusan ang kampanya kontra illegal drugs

Puspusan ang isinasagawang operasyon ng mga Pangasinan Provincial Police Office (PPO) sa kampanya kontra iligal na droga.

Sampu katao ang hinuli ng mga otoridad sa inilunsad nilang magkahiwalay na operasyon laban sa mga lumalabag umano sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Sa bayan ng Villasis ay nahuli kagabi ang lima katao na akto umanong nag-pa-pot session sa isang bahay.

Ayon kay Police Chief Inspector Jesus Manalo Jr., ang hepe ng Villasis, limang bulto ng hinihinalang shabu ang nakumpiska sa mga suspek na aabot sa 150 gramo.

Samantala, sinabi ni Police Inspector Rodolfo Santiago ng Mangatarem Police Station na apat katao ang kanilang natimbog sa isang buy bust operation sa isang inuupahang bahay kung saan nag-pa-pot session pa umano ang mga suspek.

Sa bayan naman ng Bugallon, nahulian ng mga otoridad ang isang welder ng pakete ng hinihinalang shabu.

Magugunitang sa ipinarating na State of the Province Address (SOPA) ni Gov. Amado Espino Jr. ay binigyang halaga nito ang kampanya ng probinsya kontra iligal na droga.

 

Speak Your Mind

*