Presyo ng karne ng baboy sa Mangaldan Livestock Market, bumaba na

Bumaba ang presyo ng karne ng baboy sa Livestock Market sa bayan ng Mangaldan, Pangasinan.

Ayon kay Livestock Head Merle Sali sa kasalukuyan ay gumagalaw sa 105 hanggang 106 pesos ang presyo ng kada kilo ng liveweight kumpara noong nakaraang taon na mabibili ito sa 108 pesos.

Gayunpaman, sinabi ni Sali na maaaring tumaas ang presyo ng karne ng baboy pagdating ng Marso o Abril.

Ngayon ay pumapalo na rin sa presyo 180 pesos ang kada kilo ng karne ng baboy kumpara sa dati nitong presyo na 190 hanggang 200 pesos.

Speak Your Mind

*