Presyo ng sibuyas sa Bayambang, apektado ng imported na sibuyas

Aburido umano ngayon ang ilang magsisibuyas sa bayan ng Bayambang, Pangasinan dahil sa baba ng presyuhan ng kanilang produkto.

Ayon naman kay Robert Macaraeg, isa sa mga magsisibuyas, bakit pinapayagan ng pamahalaan ang mga imported na sibuyas.

Naniniwala si Macaraeg na sapat naman ang sibuyas mula lalawigan ng Pangasinan at Nueva Ecija.

Samantala, nagpahayag naman si punong barangay Ronnie Ringor ng barangay Manambong Parte na nakakagulat ngayon ang presyuhan ng pulang sibuyas na pumapalo na lamang sa sampu hanggang trese pisos kada kilo.

Lalong nababahala umano ngayon ang mga nagtatanim ng sibuyas sa Bayambang sa presyuhan ng kanilang produkto lalo’t papalapit na ang Sibuyas Festival.

Speak Your Mind

*