Rice Loan Program ng NFA, inilaan sa mga LGU”s na apektado ng kalamidad

Magpapa-utang sa pamamagitan ng Rice Loan Program ang National Food Authority o NFA sa mga lokal na pamahalaan ng Pangasinan partikular na sa mga apektado ng kalamidad.

Sinabi ni NFA-Western Pangasinan Provincial Manager Roland Rufo, na binuo ang programa para masigurong makakautang ang mga lokal na pamahalaan sa NFA para sa relief operations o rehabilitation program.

Ayon pa kay Rufo, bumubo na ang NFA ng Memorandum of Agreement (MOA) para sa mga lokal na pamahalaan na makakuha ng Rice Loan Program lalo na ngayong lean months o buwan ng gawat.

Ipinaliwanag naman ng NFA Manager na nararapat lamang ay masunod ang mga nakasaad sa MOA, kung saan renewable ito kada taon o kapag natapos na ang termino ng opisyal ng LGU.

Ang ipapataw na presyo ng bigas ay batay na rin sa NFA consumers’ price na nakasaad sa Latest Selling Price Bulletin (SPB). (Source: PIA)

Speak Your Mind

*