Alex Gonzaga, excited na sa kanyang the unexpected concert sa Araneta

Excited na ang TV host-actress na si Alex Gonzaga na i-showcase ang kanyang singing skills sa pinakahihintay nitong first major concert na gaganapin sa Smart Araneta Coliseum sa April 25.

Sinabi ng aktres na ‘expect the unexpected’ sa kanyang concert, dahil opening pa lamang aniya ay posibleng magpataas na ng kilay sa kanyang concert na pinamagatang from the East: the Unexpected Concert.

Ilan sa mga guest sa kanyang concert ay ang kapatid na si Toni Gonzaga, Luis Manzano, Maja Salvador, Matteo Guidicelli at marami pang iba.

Maliban sa concert, busy din ang dalaga sa pag-promote sa kanyang album na “I Am Alex G” na naglalaman ng ilang kanta kabilang na ang “Break na Tayo”, “Panaginip Lang”, “Goodbye Kiss” at iba pa.

Speak Your Mind

*