Anim na “S”, inisa-isa ng DOH para iwas-sakit ngayong semana santa

Nagpaalala ang Department of Health (DOH) sa publiko na pangalagaan ang kanilang kalusugan sa gitna ng napaka-raming aktibidad ngayong panahon ng tag-init at bakasyon.

Inihayag ni Health Secretary Janette Garin na mayroong anim na ‘S’ na maaaring makaapekto sa kalusugan lalo pa ngayong summer.

Ang mga ito ay: sore eyes, sunburn, sipon at ubo, suka at tae, sakit sa balat, at sakmal ng aso.

Pinaalalahanan din ng kalihim ang mga biyaherong uuwi sa kani-kanilang probinsya na sundin ang mga batas trapiko para makaiwas sa mga aksidente

Speak Your Mind

*