Asin sa Western Pangasinan, dinarayo na ayon BFAR

Maraming interesado ngayon na matutong gumawa ng asin.

Ito ang sinabi sa sonshine radio ni Bureau of Fisheries and Aquatic Resources –National Integrated Fisheries And Technology Development Center (Bfar-Niftdc) Chief Dr. Westly Rosario.

Kinumpirma nito na noong nakaraang linggo ay may pumunta sa kanyang opisina mula palawan para malaman ang paggawa ng asin.

Ito rin ani Rosario ang pakay ng mga bisita sa kanya mula naman sa sulu sa mindanao.

Ayon pa kay Rosario, maraming lugar sa pilipinas ang hindi marunong gumawa ng asin kahit mayroon silang dagat.

Samantala, ipinaliwanag ni Rosario na sa buong mundo ay dalawa ang klase ng asin. Ito ang minimina o rock salt at ang solar salt o ordinaryong asin mula sa dagat.

Sa mga bansa na malalaki ang kalupaan gaya ng sa Amerika, China, Australia at India ay minimina ang asin, pero sa Pilipinas na binubuo lamang ng mga malilit na isla ay pagbibilad o pagpapakulo ng tubig dagat ang ginagawa upang makagawa ng asin.

Ang pagbibilad ng tubig mula sa dagat ang siyang pamamaraan ng mga gumagawa ng asin sa Western Pangasinan.

Speak Your Mind

*