Drug Testing Center, nakatakdang ipatayo sa lungsod ng Dagupan

Nakatakdang itayo sa lungsod ng Dagupan ang isang drug testing center sa tulong ng Dangerous Drugs Board (DDB).

Nabatid na naglaan ng five million pesos si DDB Chairman Secretary Antonio “Bebot” Villar Jr.

Sinabi ni P/Supt. Cristopher Abrahano, ang hepe ng Dagupan City na nakipag-ugnayan na siya sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Region One Director para mabisita nila ang PDEA Drug Laboratory.

Nangako rin aniya ang direktor na gagawa ito ng komunikasyon sa PDEA National para sa nabanggit na usapin.

Ang itatayong Drug Testing Center sa siyudad may dalawang layunin, una rito ay upang tukuyin ang laboratory testing specimen ng drug at laboratoryo naman para suriin ang isang tao.

Malaking tulong sa kapulisan ang Drug Testing Center para sa mabilisang pagsasampa ng kaso laban sa mga nahuhuling mga suspek.

Speak Your Mind

*