Earthquake Intensity Meter, ikinabit na sa Dagupan City

Mababantayan na ang intensity o lakas ng lindol sakaling tumama ito sa lungsod ng Dagupan at buong lalawigan ng Pangasinan.

Ito ay dahil naikabit na ang kauna-unahang earthquake intensity meter isang proyekto ng Dagupan City Government at Public Alert and Response Monitoring Center o PARMC.

Sinabi ni Engr. Al Penamante, ang project team leader ng PARMC na sa pamamagitan ng earthquake intensity meter ay hindi na kailangang manghula ng intensity o lakas ng lindol dahil ang naturang aparato ay digital divice.

Aabot nalang aniya sa limang minuto mula sa dating tatlumpong minuto bago malaman ang lakas ng lindol.

Bukod sa pagbasa ng eksaktong tala ng lakas ng lindol, makakatulong din umano ang naturang aparato sa mga bababala sakaling may banta ng tsunami.

Speak Your Mind

*