Free wifi sa mga pampublikong lugar sa buong bansa, ipapatupad na

Magkakaroon na ng libreng Wifi sa mga pampublikong lugar sa buong bansa.

Ito’y matapos aprubahan ng House Committee on Information and Communications Technology ang Free Public Wifi bill na inihain ni Kabataan Rep. Terry Ridon.

Ayon kay Ridon, kahit pa hindi lahat ng Pilipino ay may electronic gadget ay dapat maisip ng gobyerno na ang internet ay malaki ang maitutulong para mapabilis ang serbisyo nito sa publiko.

Itinatakda pa ng panukala na hindi dapat lagyan ng password o anumang restriction ang access sa libreng public wifi.

Speak Your Mind

*