Fruit and shoot borer, umaatake sa mga pananim na talong sa Balungao

Pinayuhan ng Municipal Agriculture Office ng bayan ng Balungao, Pangasinan ang mga magsasaka na nagtatanim ng talong na gumamit ng tamang pestisidyo.

Ito ay kaugnay sa pag-atake ng “fruit and shoot borer” o peste sa mga produktong talong na nagiging sa problema at ikinalulugi ng mga magsasaka.

Karaniwan umanong sinasalakay ng peste ang mga pananim na talong tuwing mainit ang panahon na nauuwi sa pagkabansot, pangingitim at pagkabulok.

Ayon kay Municipal Agriculture Officer Reynaldo Mundo, dapat magsagawa ng regular na pag-i-spray sa mga alagang talong upang hindi sila malugi.

Ngayong anihan ay bumaba ang produksyon ng talong sa nabanggit na bayan kung saan mas marami ang nasasayang rito kaysa sa naibebenta sa merkado.

Speak Your Mind

*