Implementasyon ng K-12 program, mariing tinutulan ng grupo ng mga propesor

Nanawagan ang grupo ng mga college at university faculty sa Maynila ang pagsuspinde sa implementasyon ng K-12 program.

Ayon kay Professor Rene Luis Tadle, convenor ng suspend K-12 coalition, na libo-libong mga guro ang mawawalan ng trabaho sa pribadong sektor dahil sa kakulangan ng paghahanda ng gobyerno.

Sa katunayan ani Tadle, ay nag-uumpisa nang magbawas ng mga guro ang ibang paaralan dahil sa prediksyong pagbaba ng bilang ng mga enrollees sa susunod na pasukan.

Batay sa nasabing programa, hindi na didiretso sa kolehiyo ang mga estudyanteng magtatapos sa high school ngayong taon, sa halip ay papasok na sa grade 11 bago magtapos sa grade 12.

Binigyang diin din ni Tadle na , aabot sa mahigit 80,000 college professors at non-teaching staff sa buong bansa ang mawawalan ng trabaho sa unang taon ng pagpapatupad ng K-12 sa senior high school program.

Speak Your Mind

*