Implemintasyon ng SPES ngayong tao, inihahanda na ng DOLE Rosales

Kasalukuyang nakikipag-ugnayan ngayon ang Department of Labor and Employment (DOLE) District Office sa bayan ng Rosales, Pangasinan sa mga ahensya ng gobyerno at pribadong sektor para maipatupad ang Special Program for the Employment of Students (SPES).

Sa panayam ng sonshineradio kay Dole District Officer Fresnaida Gundan, sinabi nito na ang mga estudyante ay magtratrabaho sa iba’t ibang opisina sa summer kung saan susweldo rin ang mga ito ng minimum wage na 253 pesos sa isang araw.

Ayon pa kay Gusdan, ang forty percent sa sweldo ng mga estudyante ay mula sa dole habang sixty percent naman ang mula sa kanilang pagta-trabahuang opisina o employer.

Ang SPES Program ay ipinapatupad ng ahensya para matulungan ang mga estudyante partikular mga nasa kolehiyo, sa kanilang matrikula at iba pang gastusin sa paaralan.

Speak Your Mind

*