Jam Sebastian ng ‘Jamich,’ pumanaw na sa edad na 28 anyos

Pumanaw ang isa sa YouTube sensation na “Jamich” na si Jam Sebastian matapos ang ilang buwang pagtitiis dahil sa stage 4 lung cancer

Alas-10:30 kaninang umaga.ng malagutan ng hiningan ang 28-anyos na binata.

Kinumpirma mismo ng ina nitong si Maricar Fernando Sebastian ang pagpanaw ng anak sa pamamagitan ng Facebook.

Nagpahayag na rin ng pagdadalamhati ang fiancee ni Jam na si Michelle Liggayu na hindi iniwan ang kasintahan hanggang sa huling sandali ng kanyang buhay.

Matatandaan na sumikat sa social media ang videos na “Jamich” dahil sa kakaibang pagmamahalan na ipinamalas ng dalawa.

Speak Your Mind

*