James Harden, pinatawan ng susoension dahil sa pagsipa kay LeBron James

Pinatawan ng one game suspension without pay si Houston star James Harden dahil sa pagsipa nito kay LeBron James sa maselang bahagi ng katawan nitong Linggo.

Nabatid na nagkabuhol ang All-Stars at Olympic teammates sa third quarter ng laro kontra Rockets at Cleveland nang bumagsak si Harden sa court pero umigkas ang paa pataas, at tumama kay LeBron.

Natawagan ng flagrant foul 1 si Harden, na iniangat ng liga sa flagrant 2 kahapon, na dapat ay awtomatikong ejection kung ito ang unang itinawag.

Pagkatapos ng laro ay galit na sinabi ni James na hindi basketball play ang sipa ni Harden, at dapat busisiin ito ng liga.

Hindi maglalaro si Harden, NBA leading scorer at top MVP candidate, sa pagdayo ng Rockets sa Atlanta Hawks ngayong Miyerkules.

Speak Your Mind

*