Your Face Sounds Familiar, hindi umano uurungan ni Karla Estrada

Walang sukuan at inuurang laban ang nanay ni Daniel Padilla na si Karla Estrada, kayat walang makakapigil rito sa pagsasali sa mga pakontes.

Una rito ay ang pagsali ni Karla sa “The Voice of the Philippines”, pero walang umikot na upuan sa apat na coaches na sina Apl de Ap, Sarah Geronimo, Bamboo Mañalac at Ms. Lea Salonga.

Ayon sa dating actress-singer, ang pagiging ‘kontesera’ niya simula pa noong kabataan niya sa probinsiya ay bahagi na ng kanyang pagiging fighter, win or lose.

Sinabi pa ng maganda ngunit ‘heavyweight’ na mommy ni Daniel na hindi niya tatakbuhan ang laban sa Your Face Sounds Familiar kung saan isa siya sa mga contestant

Makakatunggali ni Karla sa Your Face Sounds Familiar sina Jolina Magdangal, Melai Cantiveros, Nyoy Volante, Maxene Magalona, Tuti Caringal, Edgar Allan Guzman at Jay-R.

Speak Your Mind

*