Komprehensibong imbestigasyon sa mga nasawing SAF Members, at MILF, siniguro ng DOJ

Tiniyak ng Department of Justice na patas at komprehensibong imbestigasyon ang isinasagawa nila kaugnay sa Mamasapano Incident na naganap nuong January 25.

Ayon kay Justice Secretary Leila De Lima, bukod sa paghahanap ng katarungan para sa mga nasawing miyembro ng PNP-Special Action Force ay isinasaalang- alang din nila sa imbestigasyon ang mga nasawing miyembro ng Moro Islamic Liberation Front.

Nilinaw ng kalihim na hindi lang sa SAF 44 nakasentro ang imbestigasyon sa dahil lahat ng mga biktima ng insidente ay kinakailangang mabigyan ng katarungan.

Inamin naman ng kalihim na habang nagpapatuloy ang imbestigasyon ay mas nais nilang direktang makipag-ugnayan sa MILF.

Speak Your Mind

*