Liezel Martinez, pumanaw sa edad na 47 dahil sa breast cancer

Pawang magagandang papuri ang maibibigay ng veteran actor na si Albert Martinez sa kanyang namayapang asawa na si Liezl Martines na pumanaw matapos makipaglaban sa breast cancer.

Ipinost ng aktok sa kanyang instagram account ang mga katawang “She was my wife, my partner, my best friend and my blessing”

Pinuri din ni Albert na isang kahanga-hangang asawa si Liezl at very supportive sa kaniya na aniya’y hindi nya nararating kung anuman ang mayroong siya kung hindi dahil sa asawa.

Tuluyan nang binawian ng buhay si Liezl sa edad na 47 mula sa halos walong taon nang pakikipaglaban sa stage 4 breast cancer at Naiwan nito ang asawang si Albert at tatlong nilang anak.

Si Liezel ay nagsimulang pumasok sa showbiz bilang child star at ilan sa mga pelikulang nagawa niya ang “Portrait of an Angel,” “Liezl at ang 7 hoods,” at “Ibulong Mo sa Puso.”

Speak Your Mind

*