Magsasaka ng sibuyas sa Bayambang, pauutangin ng LGU’s

Naghahanap ngayon ng paraan ang lokal na pamahalaan ng Bayambang, Pangasinan para matulungan ang mga magsasaka at growers ng sibuyas na nalugi dahil sa pagbagsak ng presyo ng kanilang produkto.

Ayon kay Municipal Agriculture Officer Mercedes Peralta, isa sa nakikita nilang maibibigay na tulong ay ang pagpapa-utang sa mga magsasaka sa pamamagitan Philippine Rural Development Program (PRDP) ng Department of Agriculture (DA).

Ang D-A ay umuutang sa World Bank para maipatupad ang nabanggit na programa.

Aminado si Peralta na mahirap ang pagkuha ng PRDP requirements lalo’t kulang ang dokumento ng union growers sa bayan.

Gayunpaman, kasalukuyang pinag-aaralan ng munisipyo ng Bayambang ang nabanggit na programa na maaaring makatulong sa mga magsasaka ng sibuyas upang hindi na sila umutang pa sa pribadong sektor.

Speak Your Mind

*