Mahigit apat na milyong turista, naitala sa pangasinan noong nakaraang taon

Naitala ang mahigit apat na milyong turista na nagtungo sa lalawigan ng Pangasinan noong nakaraang taon.

Ito ang kinumpirma sa sonshine radio ni Pangasinan Tourism and Cultural Affairs Office Malou Elduayan.

Ipinaliwanag ni Elduayan na mayroong tinatawag na overnight tourists at day tourists.

Sa kanilang day tourist survey ay lumalabas na mahigit 260,000 ang bumisita sa hundred islands at ang pinaka-maraming bilang rito ay ang mga debotong bumibisita sa Our Lady of Manaoag Church Minor Basilica.

Samantala, mahigit 300,000 na overnight tourists survey naman ang naitala mula sa iba’t ibang accomodation establishments sa pangasinan.

Sa kabila nito, sinabi ni Elduayan na may mga hotels pa na hindi nakakapag-sumite sa kanilang opisina ng data o bilang ng kanilang mga bisita, na namalagi ng magdamag kanilang establisemyento.

Speak Your Mind

*