Mariel Rodriguez, nalaglag ang walong linggong sanggol sa na ipinagbubuntis

Nalaglag ang walong linggong sanggol sa na ipinagbubuntis ng TV host/actress na si Mariel Rodriguez asawa ng actor na si Robin Padilla

Ito ang kinumpirma ng talent manager ni Mariel, dalawang araw matapos ang serye ng makahulugang instagram post ng aktres hinggil sa anya’y “turbulent phase in my life.”

Sa kanyang post, makikita si Mariel na umiiyak habang nasa loob ng isang kotse na may captiong: “not all days are happy… Some days are sad.

Nag-post din ito ng isa pang larawan kung saan makikita namang magkahawak kamay sila ng mister na si Robin.

Ayon kay Robin, ayaw magpa-ospital ni Mariel at hinihintay na lamang na duguin at mawala ng natural ang kanilang sanggol.

Speak Your Mind

*