Mga grupong tutol sa K to 12 program, umapela sa Korte Suprema

Nagsagawa ng kilos-protesta sa Korte Suprema ang mga guro at estudyante bilang pagkontra sa pagpapatupad ng K to 12 program.

Kabilang sa mga nagprotesta ay ang Coalition for the Suspension of K to 12, Suspend K to 12 Alliance at Council of Teachers and Staff of Universities and Colleges in the Philippines (COTESCUP).

Pormal na naghain ng petisyon sa Korte Suprema ang nasabing mga grupo para ipasuspinde ang pagpapairal ng K to 12 kung saan madadagdagan ng dalawang taon ang high school at ito ay sisimulan na sa susunod na taon ang transition period ng programa.

Pero nababahala ang mga grupong umaalma sa nasabing programa dahil pinangangambahang mawawalan ng trabaho ang nasa 80k guro at non-teaching personnel sa ibat ibang mga kolehiyo at unibersidad sa bansa.

Hindi rin umano handa ang bansa sa pagpapatupad ng K to 12 dahil sa kakulangan ng mga classrooms, libro at iba pang pasilidad.

Speak Your Mind

*