Naitalang kaso ng rabies sa Pangasinan, ikinabahala na

Nakapagtala na ang Provincial Veterinary Office ng labinapat na kaso ng rabies sa lalawigan ng Pangasinan ngayong unang quarter pa lamang ng taon.

Ito ang kinumpirma ni Provincial Veterinary Officer Dr. Eric Perez sa panayam ng sonshineradio kung saan mas mataas umano ito kaysa sa naitala noong nakaraang taon

Ayon kay Perez, nakakabala ang naturang kaso kaya puspusan ang isinasagawa nilang massive vaccination campaign lalo na sa mga bayan na may mga naitalang kaso ng rabies.

Ani Perez, ngayong Rabies Awareness Month, nagsagawa ang Veterinary Office ng Pangasinan ng rabies information drive and control campaign activities

Speak Your Mind

*