P11.1 milyong pisong halaga ng kotse at motorsiklo, nasabat ng BOC

Nasabat ng mga tauhan ng Bureau of Customs ang P11.1 milyong pisong halaga ng kotse at motorsiklo matapos tangkaing ipuslit sa Manila International Container port.

Galing Japan ang nasabing mga kargamento na naka consign sa Panda Vine Internat’l Trading at idineklarang “873 units of used bicycle”.

Sa halip na bisikleta, kotse at motorsiklo ang laman ng container ng ito ay inspekyunin.

Nasabat din ang 1×40 footer container na naka consign sa Capas Pottery and General Merchandise dahil sa undervaluation ng importation ng mga computers.

Umaabot sa 17,409 dolyar lamang ang deklarasyon ng 672 units pero ang tunay na halaga sa nito sa valuation ay 296,352 dolyar.

Speak Your Mind

*