Pag-atake sa Army Base sa Yemen, apat katao ang nasawi

Apat katao ang nasawi kabilang na ang dalawang sundalo nang atakehin ng Al Qaeda ang Army Base sa Southern Yemen.

Inatake ng teroristang grupo ang army base subalit dalawa rin sa mga militante ang napatay.

Malaking setback ito para sa Yemeni Military na noong 2013 ay naitaboy ang Al Qaeda sa nasabing lugar sa tulong ng Militias.

Nabatid na magulo ngayon ang Yemen matapos kubkubin ng mga rebelde ang gobyerno habang panay rin ang paghasik ng karahasan ng Al Qaeda.

Speak Your Mind

*