Pagbaba ng presyo sa mga produktong petrolyo, epektibo ngayong araw

Muling nagbaba ang presyo ng mga produktong petrolyo.

Epektibo kaninang hatinggabi, nagpatupad ng rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo ang mga kompanya ng langis.

Sa abiso ng Shell, Seaoil, Flying-V, Petron, Caltex at PTT epektibo 1.10-pesos kada litro ang ibinaba sa presyo ng gasolina.

Habang nubenta-sentimos ang ibinawas ng mga ito sa kada litro ng kerosene at 95 sentimos naman sa kada litro ng diesel.

May kasabay na bawas-presyo rin ang Eastern Petroleum sa halagang 1.20-pesos sa kada litro ng gasolina at diesel.

Alas-sais ngayong umaga ay magpapatupad ng rollback ang Phoenix Petroleum na nagkakahalaga ng 1.10-pesos sa gasolina at 95-sentimos naman sa kada litro ng diesel.

Speak Your Mind

*