Pagdulog sa OWWA, dapat gawin ng mga pamilya ng OFW na nagkakaproblema abroad

Hinihikayat ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Region 1 na idulog sa kanilang tanggapan ang problema ng kanilang ang mga ka-anak na Overseas Filipino Workers (OFW) na nagtatrabaho sa ibayong dagat.

Ito ang inihayag ni Owwa Region One Officer-in-Charge Rhoda Lee sa panayam ng sonshineradio upang agad umano nila itong maaksyunan

Sinabi ni Lee na huwag ng hintayin pang malagay sa alanganing situwasyon ang mga ofw gaya ng papatawan o napatawan na ng sentensya bago maidulog sa kanilang opisina.

Payo nito na huwag mag-atubiling lumapit sa OWWA Regional Office o alinmang Satellite Offices para agad na maindorso ang problema ng OFW sa kinauukulang ahensya ng pamahalaan na dapat gumawa ng aksyon, lalo na sa opisina ng Department of Foreign Affairs.

Speak Your Mind

*