Imported na sibuyas na walang SPS Import Clearance, dapat kumpiskahin – SINAG

Kukumpiskahin ang imported na sibuyas na makakapasok sa bansa na walang sps import clearance.

Ito ang sinabi sa sonshine radio ni Samahan ng Industriya ng Agrikultura (SINAG) President at Abono Partylist Chairman Engr. Rosenso So.

Ayon pa kay So, isasailalim sa kaukulang pagsusuri ang nabanggit na proyekto para malaman kung mayroon itong toxin o banta sa food security ng bansa.

Kung hindi naman aniya fit for human consumption o hindi maaring kainin ay susunugin ang sibuyas.

Ang nakaugalian ani So, kung nasuri na pwedeng kainin ang sibuyas ay pinapa-bid ito para may karagdagang income ang Bureau of Customs (BOC).

Ang nagiging problema aniya kung ganito ang nangyayari ay bababa ang presyuhan ng sibuyas sa merkado.

Speak Your Mind

*