Pagsuot ng toga, hindi dapat obligahin sa mga estudyante – Deped

Binigyang linaw ng Deparment of Education o Deped Dagupan na hindi dapat obligahin ang mga estudyante na magsuot ng toga sa kanilang graduation rites.

Ayon kay Deped Dagupan School Division Superintendent Dr. Gloria Torres, maaari naman isuot ang mga estudyante magsisipagtapos ang kanilang school uniform para makatipid sa gastos.

Pero nilinaw naman ni Torres na depende pa rin sa mapagkakasunduan ng Parent-Teacher Associations (PTAS) kung pagsusuutin ng toga ang kanilang mga estudyante sa graduation exercise.

Idinagdag pa ng Deped na hindi rin dapat gawing requirement para sa graduation ang mga non-academic projects tulad ng field trips, JS Prom, film showing at mahigpit ding ipinagbabawal ang pangungulekta ng graduation fee.

Speak Your Mind

*