Pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo, nakaamba ngayong mahal na araw

Tila may dagdag na penitensyang papasanin ang mga motorista ngayong semana santa.

Ito’y dahil sa may nakaambang malaking pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo.

Sa impormasyong nasagap mula sa mga kumpanya ng langis, posibleng abutin ng 1.05-pesos kada litro ang itataas sa kada litro ng gasolina.

Habang 48-sentimos kada litro naman ang posible umanong itaas sa halaga ng diesel samantalang wala namang paggalaw sa kerosene.

Ang napipintong pagtaas sa presyo ng langis ay dulot umano ng paggalaw ng halaga ng krudo sa pandaigdigang merkado.

Matatandaang huling nagtaas ang presyo ng mga produktong petrolyo noong marso a-diyes na nagkakahalaga ng 95-sentimos kada litro sa gasolina at 55-sentimos kada litro naman sa diesel.

Speak Your Mind

*