Pagtaas sa presyo ng sibuyas, ikinatuwa ng mga magsasaka ng sibuyas sa Bayambang

Ikinatuwa ng mga magsasaka sa bayan ng Bayambang, Pangasinan ang pagtaas ng presyo ng sibuyas na ito ay nataon pa sa kanilang pagdiriwang ng Sibuyas Festival 2015.

Bumaba ang presyo ng sibuyas ng hanggang siyete pesos kada kilo ngunit ngayon ay umabot na ito sa dise siyete pesos.

Ang selebrasyon ng Sibuyas Festival ay inumpisahan noong Marso a-bente tres at matatapos sa Marso a-bente otso.

Ayon kay Mayor Ricardo Camacho, pag-aaralan ng lokal na pamahalaan kung paano mai-i-aangat ang produksyon ng sibuyas sa kanilang lugar, lalo’t sila ang nananatiling numero uno na nag-po-prodyus nito sa buong rehiyon uno.

Speak Your Mind

*