Papua New Guinea, niyanig ng magnitude 7.6 na lindol

Kaagad na naglabas ng banta ng tsunami ang Pacific Tsunami Warning Center kasunod ng pagyanig ng magnitude 7.7 na lindol ngayong araw sa South Pacific nation ng Papua New Guinea.

Sa ulat ng USGS, ang nasabing lindol ay may lalim na 65 kilometers (40 miles), 50 kilometers (30 miles) southeast sa bayan ng kokoponortheastern papua new guinea.

Ayon sa U.S. Geological Survey, asahan ang tsunami sa mga lugar na nasa layong 1,000 kilometers (620 miles) ng kokopo na kinabibilangan ng papua new guinea at malapit sa mga lugar sa Solomon Islands.

Kaugnay nito, kaaagd naman na pinawi ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang bantang tsunami na malabong makakaapekto sa Pilipinas

Speak Your Mind

*