Pilipinas, umaangkat pa rin ng rock salt – BFAR

Kinumpirma ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources – National Integrated Fisheries and Technology Development Center (BFAR-NIFTDC) na kahit maraming dagat sa pilipinas ay umaangkat pa rin ito ng asin.

Ayon kay BFAR-NIFTDC Chief Dr. Westly Rosario, rock salt ang inaangkat ng pilipinas, at kadalasan ay ginagawamit ito sa agrikultura gaya ng pang-abono sa niyog.

Sa isang niyog aniya ay apat na kilo ang kinakailangang asin para pang-abono.

Ang rock salt ay ginagamit rin sa industrial gaya ng paggawa ng tela.

Dagdag ni Rosario na ginagamit din ang asin para sa paggawa ng bala.

Speak Your Mind

*