PNP drug text line, malaking tulong sa kampanya kontra illegal drugs – PNP Dagupan

Malaking tulong sa Dagupan City Police sa kanilang kampanya kontra kremin ang mga natatanggap na mensahe sa pamamagitan ng PNP Drug Text Line.

Ito ang kinumpirma ni P/Supt. Cristopher Abrahano, ang hepe ng Dagupan City PNP

Sinabi ni Abrahano na karamihan sa kanilang isinasagawang mga operasyon kontra illegal drugs ay mula sa mensahe sa text messages

Kasabay nito ay tiniyak naman ng opisyal na lahat ng mga impormasyong natatanggap ng Dagupan police sa pamamagitan ng drug text line ay kanilang aaksyunan.

Aminado naman si Abrahano na dumaraan sa mahabang proseso upang makakalap sila ng ebidensya laban sa mga suspek sa nagtutulak ng droga.

Speak Your Mind

*