Produktong sibuyas sa bayan ng Bayambang, bagsak presyo na

Ramdam na ang pagbaba ng presyo ng mga produktong sibuyas ng mga magsasaka sa bayan ng Bayambang, Pangasinan

Ayon kay Municipal Agriculture Officer Mercedes Peralta, posibleng bumagsak pa ang presyo ng sibuyas ngayong buwan ng Marso dahil panahon ito ng anihan at maraming suplay sa merkado.

Sa kasalukuyan ay mas mura ang presyo ng imported na sibuyas sa merkado kumpara sa mga lokal na prodyus.

Ayon kay Peralta, ilang mga magsasaka sa Bayambang ay ibinabagsak na nila ang kanilang mga produktong sibuyas sa balintawak market para lang hindi masayang ang kanilang ani.

Gayunpaman, kung dati-rati ay naibebenta nila ang sibuyas sa singkwenta pesos nitong presyo ngayon ay pumapalo na lamang sa bente hanggang bente singko pesos.

Speak Your Mind

*