Publiko, hinikayat na makialam sa panibagong reclamation ng China sa West Philippine Sea

Hinikayat ni Kabataan Rep. Terry Ridon ang publiko na kumilos at magprotesta para ipakita ang paglaban sa reclamation na ginagawa ng China sa mga reef sa West Philippine Sea partikular sa Mabini Reef, Calderon Reef, Hughes Reef, Burgos Reef, Kagitingan Reef, at Mischief Reef.

Giit ng mambabatas, nakakaalarma na ang ginagawa ng China kaya kailangan na itong tutukan ng gobyerno upang hindi tuluyang angkinin ang teritoryo ng bansa.

Nanawagan din si Ridon sa bawat pilipino na makiisa para labanan ang agresibong mga aksyon ng China na banta sa soberenya ng bansa.

Hindi aniya dapat palagpasin ng taumbayan ang nasabing isyu at hindi rin dapat na hayaan na magpapatuloy ang mga reclamation activities gayundin ang pambubully ng China.

Dagdag pa ni Ridon, marapat din na i-pressure ng International Community ang China para tigilan na nito ang pang-aagaw sa mga islang sakop ng Pilipinas. Report from Lady B

Speak Your Mind

*