Scholarship Program ng Alaminos City, bukas na para sa mga aplikante

Bukas na ang application forms para sa mga alaminians na gustong mag-aplay ng scholarship program sa susunod na pasukan, 2015-2016.

Simula Abril a-sais ngayong taon, maaari nang kumuha ang application forms sa City Mayor’s Office mula alas otso ng umaga hanggang alas singko ng hapon.

Bukod sa mga bagong aplikante ay pinapayuhan rin na pumunta sa opisina ng Mayor ang mga kasalukuyan o dati ng mga scholars.

Ang mga estudyante lamang o ang kanilang mga magulang o taga-pag-alaga ang maaaring kumuha ng application form.

Tatanggapin ang aplikasyon sa pamamagitan ng first come first serve basis.

Speak Your Mind

*