Search for the Cleanest and Greenest Barangay, inilunsad sa Alaminos City

Nagkaroon na ng deliberasyon kahapon ang mga technical working group sa lungsod ng Alaminos, Pangasinan para sa search for the Cleanest and Greenest Barangay 2015.

Pumili na sila ng top ten na siyang bubuo sa finalists para sa nabanggit na patimpalak.

Isinusulong ng lokal na pamahalaan ng Alaminos ang search for Cleanest and Greenest Barangay upang mahikayat ang pagtutulungan ng bawat isa sa komunidad na paigtingin ang pangangalaga sa kalikasan.

Ang final evaluation para sa patimpalak ay naka-iskedyul na rin, ngayong buwan ng Marso.

Speak Your Mind

*