Vietnam, umapela sa bansang umaangkin sa West Philippine Sea

Nanawagan ang bansa sa iba pang karatig bansang umaangkin sa mga pinag-aagawang teritoryo sa South China na huminahon sa pagresolba sa usapin.

Iginiit ni Vietnam Prime Minister Nguyen Tan Dung na kailangan ng Code of Conduct sa South China Sea.

Noong nakaraang linggo lang ay ibinasura ng Asean head na isang Vietnam Diplomat, ang claim ng China batay sa nine-dash line nito.

Bukod sa bansa, kabilang din ang China, Malaysia, Brunei, Taiwan, at Pilipinas sa umaangkin ng mga nasabing isla.

Speak Your Mind

*