9 milyong Pinoy, walang trabaho ayon sa survey ng SWS

Bagama’t nabawasan ng bahagya, umaabot pa rin sa siyam na milyong Filipino ang walang hanapbuhay sa bansa.

Ito’y base sa survey ng Social Weather Stations (SWS) sa unang tatlong buwan ng taong kasalukuyan na isinagawa noong Marso a-20 hanggang a-23.

Sa survey, umaabot sa 19.1 percent o katumbas ng siyam na milyong Filipino na nasa working age na, ang walang mapasukang trabaho sa bansa.

Katumbas ito ng isa sa bawat limang Filipino na nasa edad na para magtrabaho.

Kung saan 3.2 milyon dito ay boluntaryong umalis sa kanilang trabaho, 3.7 milyon ang nawalan ng trabaho at 2.1 milyon naman ang first-time jobseeker.

Gayunpaman, mas mababa ang bilang na ito sa 12.4 milyon na walang trabaho na naitala ng SWS sa kanilang survey noong Disyembre 2014.

Speak Your Mind

*