AFP, binabalak ng bumili ng walong Amphibious Assault Vehicle.

Binabalak ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na bumili ng walong Amphibious Assault Vehicle (AAV).

Ito’y bilang dagdag sa puwersa ng sandatahang lakas ng Pilipinas bilang paghahanda na rin sa pagbabantay nito sa Teritoryo ng Bansa.

Sa ngayon unti-unti nang nagsi-shift ang AFP sa kanilang pokus at ito ay ang Territorial Defense.

Lalo na at patuloy ang pagiging Agresibo ng China at ang ongoing Reclamation Activities nito sa ilang mga isla sa West Philippine Sea (WPS).

Ayon kay Lt. Col. Doroteo Jose Jalandoni, Chief of Staff ng balikatan, malaki ang maitutulong ng nasabing Exercise para sa mga Sundalong Marines.

Lalong-lalo na aniya ngayon at unti-unti nang binabaling ng AFP ang kanilang Atensiyon sa Territorial Defense mula sa Internal Security Operation.

Sinabi ni Jalandoni na ang nasabing Joint Military Exercises ay bahagi ng Transition phase ng AFP nang sa gayon makita kung nagkaroon ba ng Improvement ang mga Sundalo.

Speak Your Mind

*